Huwebes, Marso 30, 2017

Sanaysay

          

          Ayon kay Alejandro Abadilla, ang kahulugan ng sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang taong sanay sa pagsasalaysay.Ito ay panitikang tuluyan naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon, at iba ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o isyu.

          Ayon rin sa kaniya, maituturing na sanaysay ang talambuhay sapagkat ito'y tumutukoy sa damdamin,kaisipan, saloobin, at reaksyon ng manunulat na itinuturing niyang makabuluhan at mahalaga.

Isa rin itong sulatin na nakabatay sa karanasan ng may-akda.

          Isa sa tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng panitikang Pilipino ay kung paano maipahayag ang iyong sarili at kung ano ang mga bagay na nangyari sa iyong buhay.Tunguhing makamit ang panitikang sumasangguni sa opinyon, panlipunan at buhay ng tao.

          Nilikha ang sanaysay upang mailabas ng mga Pilipino ang kanilang saloobin. Sa Pilipinas, ang sanaysay ang pinaka laganap na anyo ng pagpapahayag. Ayon sa manunulat na si Lilia Quindoza-Santiago, maari itong gamitin sa simpleng eksam tungo sa tesis o pananaliksik.

          Ang panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral,umuunlad,at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan.Subalit nakasama rin dito ang panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa,sapagka't inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino o ng mga may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan.

          Isa sa mga lumitaw na isyu ukol sa pagsasanaysay sa Pilipinas ay ang pananakop ng mga dayuhan sa mga Pilipino.

          Ang pormal na sanaysay ay nanghihingi ng masinsinang pag-o-organisa ng datos,mga malinaw,lohikal,at kapani-paniwalang pagpapaliwanag,at kritika o analisa sa mga ito.Madalas nating mabasa o mapakinggan ang mga pormal na sanaysay sa isang intelekwal na kapaligiran tulad sa mga klase sa pagsusulat ,simposya,lektyur,sermon,at mga talumpati.Samantala,sa personal o impormal na sanaysay,binibigyan ng kalayaan ang mananaysay sa kaniyang pagkatha batay sa karanasan at kung paano isasabuhay ang karanasang ito.

          Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay dahil karaniwang paksa nito ay ang pagtatala ng tunay na buhay ng isang totoong tao sa malikhaing pamamaraan.

          Ang katangian na kailangang taglayin nito ayon kay Lee-Gutkind at Philip Gerard ay ang pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat ; 
pananaliksik ng mga tekstong makatutulong sa nakalap na datos,pagbabasa ng mga tekstong makatutulong sa pagsusulat ; at ang mismong akto ng pagsusulat.Mayroon itong malinaw (apparent) na sabjek at isang malalim (deeper) na sabjek.Sumusunod sa katangian ng paksa sa peryodismo na napapanahon (timeless).Nagsasalaysay ito ng isang magandang kwento gamit ang estruktura ng maikling kwento.Pinahahalagahan nito ang sining ng pagsusulat.

          Naging bahagi na ng kulturang popular ang salitang "blog" dahil sa dami ng taong tumatangkilik dito.

         Ang blog ay nag mimistulang mga tala sa talaarawan o dyornal na mababasa sa Internet.Sa ilang website tulad ng Facebook,mayroon na rin silang serbisyo sa kanilang mga miyembro na maaaring bumuo ng kani-kanilang blog. Bukod sa mga tula,komiks at kwento,ang laganap na paraan ng pagpapahayag ng damdamin ng karanasan ng mga bloggers ay ang malikhaing sanaysay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento