Linggo, Pebrero 19, 2017

Taklub




Pag-asa

Image result for Humanities and social sciences in calayan educational foundation

          Sikat na direktor ng Indie Film na Taklub si Brillante Mendoza. Ibinigay ang kaniyang presensya sa mga piling mag-aaral ng Calayan Educational Foundation, Incorporated sa SM Lucena City.


          Mga sakunang kinakaharap nating mga Pilipino na nagdudulot sa atin ng matinding takot,galit at hinagpis, ang nasa palabas.


         Ang patuloy na pagpapanata ni Larry, malakas pa rin ang kaniyang kapit sa Diyos. Ngunit nang mamatay ang kaniyang tiya, napagod siya at napanghiaan ng loob,ditto tumigil at nawala ang kaniyang pananampalataya.
     Hindi ko siya masisisi kung ganon ang kaniyang inakto sapagkat ang mawalan ng minamahal sa buhay ay isang malaking kakulangan para sa ating pamumuhay sa mundo.


       Layunin ng direktor na ipakita sa mga taga Calayan Educational Foundation, Inc. ang totoong estado ng mga taga-Tacloban. Layunin ding iapakita ni Brillante Mendoza ang iba’t ibang pamilya na humaharap sa ganitong kalamidad. Bilang isang estudyante, kailangang mamulat tayo sa realidad ng buhay.


           Pagkamatay sa sunog at bagyo ay ilan lamang sa mga kinakaharap ng iba’t ibang mga pamilyang Pilipino. Sa panahon ngayon, iyan ang kadalasang problema sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Umaasang magkakaroon ng pagbangon para sa bakas ng nakaraan ay sadyang mahirap lalo na kung alam nating tayo ang nawalan.

          Hindi natin masisisi ang mga taong sobrang nasaktan at nawalan pagdating sa kanilang mga pamilya. Dahil likas na sa atin ang panghinaan ng loob at sumuko sa mga problema, ngunit ang pananatiling nakakulong sa nakaraan ay walang maidudulot na maganda sa ating buhay. Ang kamalayan natin sa paligid ay isang panangga para mas maging handa pa tayo sa mga problemang dadating sa buhay nating lahat.

          Ang pelikulang Taklub ay pagsang-ayon sa totoong pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay pelikulang pang-realidad na magsasabi sa atin na hindi pagsuko ang sagot kundi pagtanggap sa mga bagay na nawala at pagpapatuloy pa rin sa buhay.


Reportage




Buksan ang Mata, Ilabas ang Sarili

                 Disyembre 10, 2016 ginanap ang 66th anniversary ng Human Rights sa Pacific Mall Events Hall sa ganap na ika-9 ng umaga. Kasama nito ang mga piling mag-aaral sa Humanities and Social Sciences na nagmula pa sa Calayan Educational Foundation Incorporated na sumangguni upang masilayan at maliwanagan kung ano ba talaga ang Human Rights.

           Bago sinimulan ang programa, mayroon munang mga piling mag-aaral mula sa CEFI na nagpakita o nagbahagi ng kanilang talento. Ayon sa isa sa mga namumuno sa programang ito, isa raw itong magandang hakbang upang mailabas o maipakita ang iyong sarili. Magagamit ito upang maisawalat ang opinyon ng bawat isa.

           Kasama sa ilang aktibidad na ipinamahagi nila, mayroong ipinanuod sa mga kabataan. Na tumutungkol sa panahon noong Martial Law. Isa itong Indie Film na pinagbidahan nina Eugene Domingo at Isa Calsado.

           Ang pelikulang ito ay pinamagatang “Ang Kwentong Barbero” (Barber’s Tale) na tumutukoy sa isang babae na natutong lumaban at panindigan ang kaniyang paniniwala. Dito ay nahubog ang kaniyang pagkatao bilang isang indibidwal.

          Sa pelikulang ito, ipinakita sa mga estudyante kung gaano kahigpit ang mga militar noong panahong iyon. Ipinakita rin kung ano nga bang pamamalakad ang mayroon noong panahon ng Martial Law. Kung gaano nga ba kalupit ang pamahalaan at ang walang katahimikang pakikipaglaban ng New People’s Army(NPA) sa mga military noong panahon ni Marcos.

          Dito pinalinaw nila ang walang katapusang takot na namumuo sa bawat tahanan at bawat pamilyang nadadaanan ng mga militar. Sa pelikulang ito, laganap ang katiwalian sa gobyerno sapagkat pati mga opisyal ay nagbibigay ng maling impormasyon sa mga tao.
          Sa kabuuan nito, maipapakita ang kawalan ng kalayaan ng mga tao.
Matapos ang pelikula, mayroong ilang tao na nagsawalat ng kanilang sarili at naghayag ng kanilang organisayon. Isa na rito ang lalaking nagngangalang Joel na nagbahagi ng isang presentasyon sa pamamagitan ng isang rap.


          Kitang kita sa mga sinasabi niya ang kaniyang pagpapahalagaa sa bansa at paligid. Base sa nilalaman ng kaniyang pyesa, talaga namang hango ito sa mga katiwalian at mga di kaaya-ayang naganap sa ibang lugar, na tulad na lamang ng Pagbilao,Quezon.

          Nabanggit din niya ang pagpapaulan ng bala sa mga mamamayan noong nagbibigayan ng bigas sa isang lugar.

          Marami pang mga kaganapan noong araw na iyon: Mga pagpapakilala sa iba’t ibang tao na nagsusulong sa karapatang pantao at pagpapalinaw sa nangyari sa bansang ito.
          Iba’t ibang tao na binubukas ang isip ng bawat kabataan upang mamulat sa panahong mayroon tayo ngayon.

          Isang telang puti na nilapatan ng pinturang pula. Na pinintahan ng iba’t ibang imahe ng mga Pilipino. Kasama na rin ang dating pangulong Ferdinand Marcos. Kasama nito ang iba’t ibang pahayag na nagsusulong sa karapatang pantao.

          Gayon na rin ang ibang patungkol sa katiwalian ng dating pangulong Marcos. Sa ganap na ika-5 ng hapon ay nagwakas ang programa.

          Ngunit hindi pa pala roon natatapos ito sapagkat mayroong ginanap na isang parada na sinimulan sa Pacific Mall hanggang Quezon National High School.

          Kasama ang ibang mga kabataan ay dala dala nila ang may sinding kandila at naglagay rin sila ng tali sa kanilang mga ulo. Dito ipinapakita ang kanilang pagsusulong sa karapatang pantao.


Huwebes, Pebrero 16, 2017

Photo Essay


"Pang tanggal Gutom"



 

                     "Buko Juice" o mas kilala sa tawag na PALAMIG, pampatanggal uhaw para sa darating na tag-init. Sa kalye ito'y makikita, sa halagang limang piso ay makaka-iwas na sa dehydration.





           Mga iba't ibang PRUTAS na tulad ng mansanas at pongkan, mabilibili na rin sa kalye. 
Gamit lamang ang tricycle cart ni manong ay maibebenta na niya ang prutas na iyong gugustuhin.




                Sa lugar ng bayan ng Lucena, makikita rin natin ang SIOPAO na mag papatakam sa atin.



                   Bukod sa siopao, makikita rin natin ang babaeng nakangiti sa larawan na siyang nag titinda ng                INIHAW NA SAGING. Makikita lamang ito sa tabi ng sunlife sa Lucena. Kaysarap bumili sa mga             tinderang mayroong galak sa labi kahit na tinitiis ang usok na nanggagaling sa kaniyang pinagkaka                   kitaan.



                     Sikat na sikat ang pagkaing ito na makikita lamang sa kalye. Ito ay ang tinatawag nilang                         KALAMARES. Ito ay pusit na hinawa lamang na pabilog at nilagyan ng harina. Kalamares na may               kapares na suka ay mayroon ng pagkaing magtatanggal ng iyong gutom.



                        Sa tabi ng Unitop sa Lucena ay makikita ang ganitong uri ng puto. Ito ay ang tinatawag
                nilang PUTONG BIGAS. Ito ay niluluto lamang gamit ang steamer habang balot ito ng dahon.




                          Siopao at SIOMAI ay makikita rin tabi. Ang siomai ay gawa sa pinaghalo halong giniling na                baboy, bawang, carrots na binalutan ng wanton o siomai wrapper at ini-steam. Kapares nito ay                     ang ginisang durog na bawang, toyo at kalamansi. Kung gusto naman ay maanghang, maaring                         lagyan ito ng mahalang na toyo.



                   Makikita rin sa bayan ang pansitan na ito. Masasarap ang pansit nila dito. Sapagkat
                   manamis namis at mayroong kaunting halang ang mga pansit nila. Dito ay mayroon silang maliit na kainan at ulam na mayroong iba't ibang putahe.



                            Sa tapat ng Index sa bayan ng Lucena ay makikita ang iba't ibang klase pa ng street food.                      Makikita sa tinda ni ate na mayroong kwek-kwek, squid balls, kikyam, fish balls at tokwa. 



                       Sa kalye ay nagkalat ang mga iba't ibang panindang pagkain. Isa na rin dito ang mangga na                      sinamahan ng alamang. Karaniwan ito ay nagkaka halaga ng 20 pesos kapag maliit at 35 pesos                      naman kung ito'y malaki.

Lunes, Pebrero 13, 2017

Interview

                                                                 

                                                                  “Buy 1 take 1”

               
                                                                           
                “Paano po kaya makapasok sa ganito? Saside line sana kami para may pera kami sa pasko.”

                  “Sideline? Hindi ito pwedeng sideline. Kasi 24 hours kami dito,” ang sabi ng matangkad at payat na babae. Kayumanggi ang kaniyang kulay at matinis ang kaniyang boses.

                   “Ah ganun po ba? Ay ilang years ka na po bang nagtatrabaho sa ganito?”


                   “2 and half years pa lang. Nagsimula lang akong magtrabaho dito nang nakapag-asawa na ako. Dati sa petron lang ako, ngayon dito naman,” sagot niya habang nag lilista.

                   “Ah ganon po ba? E di bata pa po kayo?” Kasi nito lang kayo nag asawa e!” Pagtatanong ko sa kaniya.
                   “38 years old na’ko. 4 years kami ng asawa ko bago kami nagpakasal.”

                   “Anak ni’yo po ba ‘yung kaninang pumunta dito? Yung batang babae?”

                   “Oo, anak ko nga ‘yon. Si Angel, lagi kong kasama ‘yan dito.”

                  “Solong anak ni’yo po?” “Hindi. Apat na ang anak ko. Panganay siya.”

                  “So, bata pa po pala ang mga sinundan. Ay kamusta naman po ang trabaho ni’yo dito? Hindi ka po ba naiinip? Kasi po mag-isa lang kayo dito.”

                  “Hindi naman. Sanay na naman ako. Tutal, nandito naman ang anak ko. Tsaka, may kapalit naman ako dito after 12 hours,” sagot niya.

                  “Ah, paano po kapag ‘di dumating ang substitute ni’yo?”

                  “E di, dito lang ako. Hanggang sa dumating siya. Pero masipag naman pumasok naman pumasok ang kahalili ko dito. Kaya okay lang.”

                   “Di ba po mag-isa lang kayo dito? Meron na po ba kayong naingkwentro na kakaiba? Kunwari, naholdap.” 

                   “Noong isang gabi, may batang bumili dito. Sabi niya sa akin, ‘Ate, dalawa nga pong footlong burger,’ syempre nagluto ako. After kong magluto, nagtanong siya kung magkano. Sabi ko 90 pesos. Tapos tiningnan niya ‘yung gilid niyang short. Nakita ko, walang pera. Napansin niya atang nakatingin ako sa kaniya. Tumingin ako sa footlong na inilagay ko sa kahon. Kukunin ko na sana, kaso naunahan ako. Kinuha niya at mabilis na tumakbo. Nang medyo malayo na siya, lumingon pa sa akin at sumigaw ng “Salamat”. Imbis na magalit ako, natawa na lang ako. Nagpasalamat pa e.”

                  “A lalaki po ba o babae?”

                  “Lalaki siya. Bata pa. Siguro mga 15 or 14 lang ‘yun. Hinayaan ko nalang. Kasi baka gutom na. Baka walang makain.”

                  “E di sa sweldo mo po yun mababawas?”

                  “Oo, naka charge na sa akin ‘yung kinuha nu’ng bata.”


                   Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, mayroong lalaking customer. Matangkad, maputi, gwapo at mapupungay ang mga mata.

                   “Pabili nga ng cheese burger, ‘yung buy 1 take 1.”

                    Pinagsilbihan naman niya ito. Tahimik lang, walang umiimik. Nakatingin lang sa amin ang lalaki.

                   Pagkaalis, biglang nagsalita ang tindera at umupo.


                   “Yung lalaking ‘yun, akala adik ako.”

                   “Bakit po?” Pagtataka ko

                   “Kahapon, bumili din ‘yun dito, tapos sinabi niya sa akin na pabili daw siya ng straw. Noong una, hindi ko talaga magets, at noong napansin niya na hindi ko nagets, umalis na lang bigla.

                   Pero noong nakaalis na siya, saka ko nagets’yung sinabi niyang straw. Payat lang ako pero di ako adik. 

                  Akala niya ata nag titinda ako ng shabu.

                “Kaya pala mapupungay ang mata. Tapos iba kung makatingin. Sayang may hitsura pa man din.”

                 “Oo nga e, may hitsura sana. Adik lang.”

                 “Lagi po bang nabili ‘yun sa inyo dito?”

                “Pangalwang beses na ngayon.”


                 “Nako, mag-iingat po kayo. Lalo na’t mag-isa ka lang po dito.”

                 “Oo nga e. Hayae, kaya ko naman.”


                  Doon, naubos na ang aking kinakain. At tuluyan ko nang nilisan ang Big Mak.