Linggo, Pebrero 19, 2017

Reportage




Buksan ang Mata, Ilabas ang Sarili

                 Disyembre 10, 2016 ginanap ang 66th anniversary ng Human Rights sa Pacific Mall Events Hall sa ganap na ika-9 ng umaga. Kasama nito ang mga piling mag-aaral sa Humanities and Social Sciences na nagmula pa sa Calayan Educational Foundation Incorporated na sumangguni upang masilayan at maliwanagan kung ano ba talaga ang Human Rights.

           Bago sinimulan ang programa, mayroon munang mga piling mag-aaral mula sa CEFI na nagpakita o nagbahagi ng kanilang talento. Ayon sa isa sa mga namumuno sa programang ito, isa raw itong magandang hakbang upang mailabas o maipakita ang iyong sarili. Magagamit ito upang maisawalat ang opinyon ng bawat isa.

           Kasama sa ilang aktibidad na ipinamahagi nila, mayroong ipinanuod sa mga kabataan. Na tumutungkol sa panahon noong Martial Law. Isa itong Indie Film na pinagbidahan nina Eugene Domingo at Isa Calsado.

           Ang pelikulang ito ay pinamagatang “Ang Kwentong Barbero” (Barber’s Tale) na tumutukoy sa isang babae na natutong lumaban at panindigan ang kaniyang paniniwala. Dito ay nahubog ang kaniyang pagkatao bilang isang indibidwal.

          Sa pelikulang ito, ipinakita sa mga estudyante kung gaano kahigpit ang mga militar noong panahong iyon. Ipinakita rin kung ano nga bang pamamalakad ang mayroon noong panahon ng Martial Law. Kung gaano nga ba kalupit ang pamahalaan at ang walang katahimikang pakikipaglaban ng New People’s Army(NPA) sa mga military noong panahon ni Marcos.

          Dito pinalinaw nila ang walang katapusang takot na namumuo sa bawat tahanan at bawat pamilyang nadadaanan ng mga militar. Sa pelikulang ito, laganap ang katiwalian sa gobyerno sapagkat pati mga opisyal ay nagbibigay ng maling impormasyon sa mga tao.
          Sa kabuuan nito, maipapakita ang kawalan ng kalayaan ng mga tao.
Matapos ang pelikula, mayroong ilang tao na nagsawalat ng kanilang sarili at naghayag ng kanilang organisayon. Isa na rito ang lalaking nagngangalang Joel na nagbahagi ng isang presentasyon sa pamamagitan ng isang rap.


          Kitang kita sa mga sinasabi niya ang kaniyang pagpapahalagaa sa bansa at paligid. Base sa nilalaman ng kaniyang pyesa, talaga namang hango ito sa mga katiwalian at mga di kaaya-ayang naganap sa ibang lugar, na tulad na lamang ng Pagbilao,Quezon.

          Nabanggit din niya ang pagpapaulan ng bala sa mga mamamayan noong nagbibigayan ng bigas sa isang lugar.

          Marami pang mga kaganapan noong araw na iyon: Mga pagpapakilala sa iba’t ibang tao na nagsusulong sa karapatang pantao at pagpapalinaw sa nangyari sa bansang ito.
          Iba’t ibang tao na binubukas ang isip ng bawat kabataan upang mamulat sa panahong mayroon tayo ngayon.

          Isang telang puti na nilapatan ng pinturang pula. Na pinintahan ng iba’t ibang imahe ng mga Pilipino. Kasama na rin ang dating pangulong Ferdinand Marcos. Kasama nito ang iba’t ibang pahayag na nagsusulong sa karapatang pantao.

          Gayon na rin ang ibang patungkol sa katiwalian ng dating pangulong Marcos. Sa ganap na ika-5 ng hapon ay nagwakas ang programa.

          Ngunit hindi pa pala roon natatapos ito sapagkat mayroong ginanap na isang parada na sinimulan sa Pacific Mall hanggang Quezon National High School.

          Kasama ang ibang mga kabataan ay dala dala nila ang may sinding kandila at naglagay rin sila ng tali sa kanilang mga ulo. Dito ipinapakita ang kanilang pagsusulong sa karapatang pantao.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento