Linggo, Pebrero 19, 2017

Taklub




Pag-asa

Image result for Humanities and social sciences in calayan educational foundation

          Sikat na direktor ng Indie Film na Taklub si Brillante Mendoza. Ibinigay ang kaniyang presensya sa mga piling mag-aaral ng Calayan Educational Foundation, Incorporated sa SM Lucena City.


          Mga sakunang kinakaharap nating mga Pilipino na nagdudulot sa atin ng matinding takot,galit at hinagpis, ang nasa palabas.


         Ang patuloy na pagpapanata ni Larry, malakas pa rin ang kaniyang kapit sa Diyos. Ngunit nang mamatay ang kaniyang tiya, napagod siya at napanghiaan ng loob,ditto tumigil at nawala ang kaniyang pananampalataya.
     Hindi ko siya masisisi kung ganon ang kaniyang inakto sapagkat ang mawalan ng minamahal sa buhay ay isang malaking kakulangan para sa ating pamumuhay sa mundo.


       Layunin ng direktor na ipakita sa mga taga Calayan Educational Foundation, Inc. ang totoong estado ng mga taga-Tacloban. Layunin ding iapakita ni Brillante Mendoza ang iba’t ibang pamilya na humaharap sa ganitong kalamidad. Bilang isang estudyante, kailangang mamulat tayo sa realidad ng buhay.


           Pagkamatay sa sunog at bagyo ay ilan lamang sa mga kinakaharap ng iba’t ibang mga pamilyang Pilipino. Sa panahon ngayon, iyan ang kadalasang problema sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Umaasang magkakaroon ng pagbangon para sa bakas ng nakaraan ay sadyang mahirap lalo na kung alam nating tayo ang nawalan.

          Hindi natin masisisi ang mga taong sobrang nasaktan at nawalan pagdating sa kanilang mga pamilya. Dahil likas na sa atin ang panghinaan ng loob at sumuko sa mga problema, ngunit ang pananatiling nakakulong sa nakaraan ay walang maidudulot na maganda sa ating buhay. Ang kamalayan natin sa paligid ay isang panangga para mas maging handa pa tayo sa mga problemang dadating sa buhay nating lahat.

          Ang pelikulang Taklub ay pagsang-ayon sa totoong pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay pelikulang pang-realidad na magsasabi sa atin na hindi pagsuko ang sagot kundi pagtanggap sa mga bagay na nawala at pagpapatuloy pa rin sa buhay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento