"Pang tanggal Gutom"
"Buko Juice" o mas kilala sa tawag na PALAMIG, pampatanggal uhaw para sa darating na tag-init. Sa kalye ito'y makikita, sa halagang limang piso ay makaka-iwas na sa dehydration.
Mga iba't ibang PRUTAS na tulad ng mansanas at pongkan, mabilibili na rin sa kalye.
Gamit lamang ang tricycle cart ni manong ay maibebenta na niya ang prutas na iyong gugustuhin.
Sa lugar ng bayan ng Lucena, makikita rin natin ang SIOPAO na mag papatakam sa atin.
Bukod sa siopao, makikita rin natin ang babaeng nakangiti sa larawan na siyang nag titinda ng INIHAW NA SAGING. Makikita lamang ito sa tabi ng sunlife sa Lucena. Kaysarap bumili sa mga tinderang mayroong galak sa labi kahit na tinitiis ang usok na nanggagaling sa kaniyang pinagkaka kitaan.
Sikat na sikat ang pagkaing ito na makikita lamang sa kalye. Ito ay ang tinatawag nilang KALAMARES. Ito ay pusit na hinawa lamang na pabilog at nilagyan ng harina. Kalamares na may kapares na suka ay mayroon ng pagkaing magtatanggal ng iyong gutom.
Sa tabi ng Unitop sa Lucena ay makikita ang ganitong uri ng puto. Ito ay ang tinatawag
nilang PUTONG BIGAS. Ito ay niluluto lamang gamit ang steamer habang balot ito ng dahon.
Siopao at SIOMAI ay makikita rin tabi. Ang siomai ay gawa sa pinaghalo halong giniling na baboy, bawang, carrots na binalutan ng wanton o siomai wrapper at ini-steam. Kapares nito ay ang ginisang durog na bawang, toyo at kalamansi. Kung gusto naman ay maanghang, maaring lagyan ito ng mahalang na toyo.
Makikita rin sa bayan ang pansitan na ito. Masasarap ang pansit nila dito. Sapagkat
manamis namis at mayroong kaunting halang ang mga pansit nila. Dito ay mayroon silang maliit na kainan at ulam na mayroong iba't ibang putahe.
Sa tapat ng Index sa bayan ng Lucena ay makikita ang iba't ibang klase pa ng street food. Makikita sa tinda ni ate na mayroong kwek-kwek, squid balls, kikyam, fish balls at tokwa.
Sa kalye ay nagkalat ang mga iba't ibang panindang pagkain. Isa na rin dito ang mangga na sinamahan ng alamang. Karaniwan ito ay nagkaka halaga ng 20 pesos kapag maliit at 35 pesos naman kung ito'y malaki.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento