Huwebes, Marso 30, 2017

AutoBiography



Reggie Macatangay

I. Event Photo (Tagged Photos)







Profile Pictures (2016)







Cover Photos





Status



Shared Photo



Birthday Greetings








2017

               Ang tingin ko kay Reggie noong una ay bad boy, maingay, makulit, at pasaway. Pero sa ilang buwan na naging kaklase at nakasama ko siya sa iisang paaralan ay napag alaman kong mayroon naman pala siyang side na mabait at mayroong pakikisama. Kahit minsan malakas man-trip ay napag-sasabihan naman siya.
              Hindi ko naman sobrang close si Reggie, pero ang tingin ko sa kaniya outside the FB ay pasaway talaga. Hahahahaha Naniniwala ako na mag-babago pa siya at marami pa siyang matututunan at ma-rerealize tungkol sa buhay niya.











Sanaysay

          

          Ayon kay Alejandro Abadilla, ang kahulugan ng sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang taong sanay sa pagsasalaysay.Ito ay panitikang tuluyan naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon, at iba ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o isyu.

          Ayon rin sa kaniya, maituturing na sanaysay ang talambuhay sapagkat ito'y tumutukoy sa damdamin,kaisipan, saloobin, at reaksyon ng manunulat na itinuturing niyang makabuluhan at mahalaga.

Isa rin itong sulatin na nakabatay sa karanasan ng may-akda.

          Isa sa tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng panitikang Pilipino ay kung paano maipahayag ang iyong sarili at kung ano ang mga bagay na nangyari sa iyong buhay.Tunguhing makamit ang panitikang sumasangguni sa opinyon, panlipunan at buhay ng tao.

          Nilikha ang sanaysay upang mailabas ng mga Pilipino ang kanilang saloobin. Sa Pilipinas, ang sanaysay ang pinaka laganap na anyo ng pagpapahayag. Ayon sa manunulat na si Lilia Quindoza-Santiago, maari itong gamitin sa simpleng eksam tungo sa tesis o pananaliksik.

          Ang panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral,umuunlad,at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan.Subalit nakasama rin dito ang panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa,sapagka't inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino o ng mga may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan.

          Isa sa mga lumitaw na isyu ukol sa pagsasanaysay sa Pilipinas ay ang pananakop ng mga dayuhan sa mga Pilipino.

          Ang pormal na sanaysay ay nanghihingi ng masinsinang pag-o-organisa ng datos,mga malinaw,lohikal,at kapani-paniwalang pagpapaliwanag,at kritika o analisa sa mga ito.Madalas nating mabasa o mapakinggan ang mga pormal na sanaysay sa isang intelekwal na kapaligiran tulad sa mga klase sa pagsusulat ,simposya,lektyur,sermon,at mga talumpati.Samantala,sa personal o impormal na sanaysay,binibigyan ng kalayaan ang mananaysay sa kaniyang pagkatha batay sa karanasan at kung paano isasabuhay ang karanasang ito.

          Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay dahil karaniwang paksa nito ay ang pagtatala ng tunay na buhay ng isang totoong tao sa malikhaing pamamaraan.

          Ang katangian na kailangang taglayin nito ayon kay Lee-Gutkind at Philip Gerard ay ang pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat ; 
pananaliksik ng mga tekstong makatutulong sa nakalap na datos,pagbabasa ng mga tekstong makatutulong sa pagsusulat ; at ang mismong akto ng pagsusulat.Mayroon itong malinaw (apparent) na sabjek at isang malalim (deeper) na sabjek.Sumusunod sa katangian ng paksa sa peryodismo na napapanahon (timeless).Nagsasalaysay ito ng isang magandang kwento gamit ang estruktura ng maikling kwento.Pinahahalagahan nito ang sining ng pagsusulat.

          Naging bahagi na ng kulturang popular ang salitang "blog" dahil sa dami ng taong tumatangkilik dito.

         Ang blog ay nag mimistulang mga tala sa talaarawan o dyornal na mababasa sa Internet.Sa ilang website tulad ng Facebook,mayroon na rin silang serbisyo sa kanilang mga miyembro na maaaring bumuo ng kani-kanilang blog. Bukod sa mga tula,komiks at kwento,ang laganap na paraan ng pagpapahayag ng damdamin ng karanasan ng mga bloggers ay ang malikhaing sanaysay.


HUMSS


Sa HUMSS Sigurado!


Image result for humanities and social sciences strand
          Humanities and Social Sciences o mas kilalang HUMSS. Isa sa pinaka magadang strand sa K-12 program.

          Ang HUMSS ay makatutulong sa mga estudyanteng introvert. Dahil ang strand na ito, ay pag-aaral din sa pakikitingo sa kapwa. At isa pa, hindi mabigat masiyado ang HUMSS pagdating sa Math.

          Sa strand na HUMSS, dito mo makikita ang mga bagong gustong mag-teacher, mag-abogado, mag-pulis/sundalo, marami pang iba. Basta, tungkol sa pakikipagkapwa tao, ay makikita ni'yo sa strand na ito.

          Dito rin sa strand na ito, maaari kang maging isang manunulat o tagapaghatid ng balita. Maihahayag mo ang iyong saloobin sa pagsulat. Dahil dito ay maaari mong kunin ang Mass Com sa future kapag HUMSS ang strand.

          Maraming magagandang trabaho ang makukuha sa future kapag HUMSS ang strand mo. Magiging maganda ang career mo. Sapagkat karamihan sa mga trabahong makukuha sa strand na ito ay in-demand.

          Tulad na lamang ng guro, sundalo, at pulis. Ilan lamang iyan sa mga 
magagandang trabaho na iyong sigurado. Dahil madaling makakuha ng trabaho ang mga kursong ito.

          Sa HUMSS ay marami kang matututunan. Lalo na sa pagdating sa bansa, kung ano nga ba ang nangyayari sa ating bansa.

          Makatutulong ang HUMSS sa career mo dahil maraming mai-ooffer ang strand na ito. Trabahong sigurado at magkakaroon ng magandang posisyon.

          Ang strand na HUMSS ay kinakailangang mag-college dahil ang mga trabahong nakapaloob dito ay may kolehiyo. Hindi lang ganda ang maipagmamalaki sa HUMSS dahil pati utak ay kailangan din ito.

          Bihasa rin sa pakikipagtalastasan ang mga taga-HUMSS. Sapagkat inaaral din dito ang tamang pagsasalita. Kaya HUMSS ang magandang kuning strand.

 Minsan ka lamang mahihirapan sapagkat masaya ang strand na ito.

Pangulong Duterte



Mahal Naming Pangulong Rodrigo Duterte,

         Tunay nga pong nararanasan na namin ang pagbabagong sinasabi ni'yo. Malaking pagbabago ang kinakaharap ng Pilipino dahil sa pamumuno ninyo.

         Isa na rito ang kaso ng drugs sa Pilipinas. Tunay namang magandang imahe sa Pilipinas ang pagbaba ng kaso ng ipinagbabawal na gamot at ang mga taong kasangkot dito. Ngunit kung inyo naman pong titingnan ang mga taong naninirahan sa bansang ito, nababakas ang galit at takot.

          Alam naman namin na hangad mo ang kapayapaan at kaayusan sa bansang ating sinilangan, ngunit sa aking palagay ay kinuha mo naman po ang katahimikan sa bawat Pilipinong naninirahan sa bansang ito.

          Disiplina ang nais mong ibigay sa amin, ngunit ang proseso at pamamalakad mo sa pagdidisiplina ay hindi kaaya-aya. Sinong tao ang matutuwa kung ano mang oras ay pwede kang mamatay? Tunay ngang masama ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ngunit may mga tao talagang matitigas ang ulo at gumagamit pa rin kahit bawal.

          Tama lamang na disiplinahin sila, ngunit hindi naman siguro kailangang gamitan ng dahas at pagpatay. Ang pagkakakulong ng mahabang panahon sa bilangguan ay parang pag-aalis na rin sa isang tao ng kalayaang mabuhay. Hindi ba't parang mas mainam itong pagdidisiplina kaysa ang pumatay?

          
Lahat ng tao ay maaaring mabigyan pa ng pangalawang pagkakataon. At isa pa, kasalanan ang pumatay. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay, kaya anong karapatan nating kunin ito? Wala tayong karapatang kumitil ng buhay ng tao.

          Pangulong Rodrigo Duterte, isa ako sa mga taong naniniwala sa iyong kakayahang mamuno. Ngunit hindi sagot ang dahas para magkaroon ng kapayapaan sa bansang ito.

          Kung ang bansang ito ay may kakayahang magbago, kayang kaya din ng mga taong matitigas ang ulo na magbago-pagdidisiplina sa mga Pilipino sa paraang magiging maayos ang kalooban ng bawat isa.


Lubos na Gumagalang,

ARA MAE Z. HERMOSO

Biography


Image may contain: 1 person, smiling, standing

Kilalanin Mo Ako

                 Ang pangalan ko ay Ara Mae Z. Hermoso. Ipinanganak ako noong ika-26 ng Setyembre taong 1999. Ako ay nasa labing pitong taong gulang na sa kasalukuyan.
                Ako at isang babae na mayroong taas na 152 cm at bigat na 39 kg. Ako ay lumaking Tagalog ngunit may halong Bicolano. Karamihan sa mga taong aking nakakasalamuha, sinasabing ang payat ko raw.
                Sa aking palagay, ang unang napapansin sa akin ng karamihan ay ang buhok at kulay ko na kayumanggi. Kung pag-uusapan naman ang lakas at katatagan ay masasabi kong hindi ako ganu'n ka-flexible. Sapagkat mabilis akong mapagod.
                Paborito ko ang larong badminton. Dahil mas mainam itong ehersisyo para sa akin. Lalo na at hindi naman ganu'n kalakas ang resistensya ko.
                 Ang kondisyon ng kalusuga ko ngayon ay hindi ganu'n kabuti. Mayroon akong ubo ngayon. At hindi regular ang pag-inom ko ng gamot kaya matagal itong gumaling.
                Noong ako ay nasa ikatlong taong gulang pa lang ay isinugod na ako sa ospital. At napag-alamang mayroob akong sakit sa kidney o UTI. May na-encounter na din akong injury noong nasa Bicol ako. Naliay ako dahil sa biglaan kong pagtayo.
                Wala naman akong problema sa katawan. Wala namang kulang sa aking pisikal na pangangatawan. Kaya't nagpapasalamat ako roon.
                Ang namana ko sa aking pamilya ay ang pagiging sweet. Ang pamilya Hermoso ay maituturing na malambing. Ngunit huwag lamang gagalitin sapagkat kami rin'yung tipong kayang ipaglaban ang sarili lalo na kung alam naming nasa katwiran kami.
                Ako ay disisyete anyos pa lamang ngunit nakatikim na ako ng alak. Lalo na kung mayroong celebration tulad ng birthday, o party.
Kung ako ang tatanungin ang greatest physical asset ko ay ang aking buhok. Dahil maraming nagagandahan dito.

                Kung susukatin ang aking kaalaman, nasa average level lamang ako. Hindi bobo hindi din matalino. Ngunit ang imahinasyon ko ay malawak. Kung sa'n-sa'n ito napupunta at kung anu-ano rin ang naiisip kong bagay.
                Ang pananaw ko sa buhay ay dapat chill lang palagi. Kalma lang at'go with the flow'lang palagi. Masaya para sa akin ang ganu'ng pananaw, positibo lang dapat at'wag papaapekto.
                Kapag may problema, mostly ang ginagawa ko ay makikinig ng music. Sa paraang'yun, nakakapag-isip ako nang maayos. Mas nagiging payapa ang isip ko kaya nakaka-survive ako sa mga problemang aking kinakaharap.
                Sa totoo lang, hindi ko alam ang talento ko. Hindi ko pa ata siya nadidiscover. Pero isa lang ang sinisigurado ko, hinding hindi ako magaling kumanta. Sa pagkanta ako mahina.
                Pero mayroon din naman akong maipagmamalaki sa aking sarili. Ito ay nang mag-Top 2 akong grumaduate sa aking dating paaralan. Out of 411 na estudyante na grumaduate ay ako ang Top 2. At isang malaking gantimpala na 'yun para sa akin.
                Ngunit salungat naman nito, naalala ko pa noong ako'y nasa ikalawang baitang pa lamang. Iyong ang unang beses na nagkaroon ako ng palakol sa card. Sobrang nakakahiya sa nanay ko. Dissapointed ako sa sarili ko nu'ng mga panahong iyon.
                Pero ang ambisyon ko ngayon ay makatapos ng pag aaral makakuha ng magandang trabaho.
                Ang mga bagay ba kinatatakutan ko ay ang mawalan ng magulang, iwanan ng kaibigan, at lokohin ng mg taong nakapaligid sa akin. Ang bagay naman na nagpapagalit sa akin ay ang mga taong hindi totoo, at ang mga taong napaka-judgmental. Kapag nasa harapan naman ako ng maraming tao, sobrang nahihiya ako.
                Mayroon akong tatlong pinapahalagahan, ito ay ang Diyos, Pamilya ko, at mga kaibigan ko. Ang mga materyal na bagay ang hindi ko gaanong binibigyang halaga. Ang greatest virtue ko ay madali akong maka-appreciate ng mga bagay.
                Bilang isang kristiyano naman, naniniwala ako na si Jesus ang ating tagapagligtas. At mayroon akong mga bagay na kailanman ay hindi ko gagawin, ito ay ang magpakamatay, mag-asawa ng kapwa babae, at pumatay ng tao. Siguro ang nakakaakit s'kin sexually ay'yung mga lalaking mababango, manly ang katawan, at malinis.
   
                Lumaki ako sa puder ng Lola ko, na tinuturing ko ng nanay at nas maayos at magandang tirahan naman ako ngayon. Simula bata pa lang ako, sina lolo at lola na ang kasama ko at maayos kaming naninirahan hanggang ngayon. Ang greatest strength and weakness ni papa ay ang pagiging hardworking at moody.
                Mapaglaro akong bata dahil simula noong maliit pa lang ako ay mas nasanay ako sa mga laro sa labas ng bahay kaya masaya ang childhood ko.
                Ang talagang nakaimpluwensya sa akin ay ang lolo'y lola ko dahil sila na ang nag-alaga sa'kin at nagpalaki. Pinag-aral nila ako sa public at private school. So far, nakakapasa naman ako palagi, hanggang ngayon.
          Ang best subject ko ay Filipino at worst ay AP noong grade 10. Minsan, hindi lang puro academics dahil sumasali rin ako sa mga organizations sa school at active ako du'n.
         Sa pamumuhay kong ito, mayroong greatest impact sa akin ay ang family at friends ko. Dahil habang lumalaki ako, sila ang kasama ko at mas nailalabas ko ang aking sarili dahil sa kanila.
          Ang first love ko ay si Joprill at nagsimula lang kami ay noong nakaraang taon. Kung tatanungin naman ang social status ko, mabuti naman. 'Pag nasa bahay ako, mas naipapakita ko ang aking ugali sa mga kasama ko sa bahay. Kahit minsan maingay at magulo.
          Nakatira ako kasama ang aking mama/lola at mga pinsan. Kung sex life naman ang pag uusapan, wala pa akong karanasan diyan. Kasi bawal pa. Pero sa totoo lang attractive ako sa mga taong hot at gwapo na tulad ni Kim Kibum.
          May itinuturing akong bestfriend ngayon at ang pangalan niya ay Marella, naging bestfriend ko siya kasi nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Wala naman akong itinuturing na kaaway ngayon. Kasi 'di ako sanay na mayroong kaaway.
           Ang hobbies ko ay mag soundtrip, mag-browse sa internet at manuod ng movie. May mga bagay din akong ginagawa lalo na pag naistressed ako o just for fun lang at ito ang pag sasayaw. Hindi naman ako dancer pero mas gusto kong sumayaw lalo na pag nasa mood ako.
           Ang pinakamasayang moment na nangyari sa buhay ko ay 'yung kumain kami nalang kumpleto nila mama. Ang unhappiest moment naman na nangyari sa aking buhay ay noong mamatay 'yung tita ko na super close ko at sobra-sobrang luha ang naibuhos ko noong mga panahong iyon. Kung mayroon akong baaguhin sa mundong ito, ang pagiging judgmental ng mga nakatira dito.

          Ako ay nakatira sa Purok Sariling Atin Brgy. Gulanggulang Lucena City, Quezon Province. Mayroon kaming bahay at 14 years ba kaming nakatira doon.
          Mayroon kaming sala,kusina, CR, at 3 kwarto. Hindi ganu'n kaganda ang koneksyon namin sa kapitbahay dahil walang pakialaman sa bawat isa.
         Mayroon kaming sariling bahay. Kasama kong nakatira dito ay si mama, mga pinsan ko, isama na rin ang pusa. Maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa, masaya at kahit na maingay.
         At dahil kasama ko ang mga pinsan ko sa bahay na iyon, magulo at maingay dahil makukulit ang mga ito. Sa totoo lang, ang bahay namin ay makalat.
         Ang paborito kong lugar ng bahay ay ang aking kwarto dahil tahimik at nakakapag-isip isip ako. Ang pinakaayaw kong lugar ng bahay ay ang sala dahil nandoon palagi ang mga pinsa kong makukulit.
         TV, sapatos at kwarto ang binibigyan ko nang mas higit na pansin. TV, dahil naaaliw ako, sapatos dahil marami akong pamporma, at kwarto dahil ito ang perfect place para sa akin. Ito ang mas nakakakilala sa akin.
         'Yung oras na nag open-up ako sa mama ko tungkol sa lovelife ko ang pinaka di-malilimutang na-encounter ko. Sobrang saya ko rin noong itinayo na ang tindahan namin at na-extend ang bahay namin.
         'Yung oras din na mayroong kumalabog sa bahay namin at ako na lang ang natatanging gising ang pinakanakakatakot na nangyari dito sa bahay. Ang pinakamalungkot naman na karanasan ko ay nang mamatau nga si tita.
         Ang bagay na iniingat-ingatan at itinatago ay ang aking diary. Dahil dito nakapaloob lahat ng sikreto ko at mga kakornihan ko sa buhay. Nakakahiya kung mababasa ng iba.
         Aminin mo man o hindi, may mga bagay tayong ginagawa kapag mag-isa lamang tayo. Ang ginagawa ko noon ay umaarte ako sa harap ng salamin habang ginagaya ang mga napapanuod ko sa TV. Sikreto ko lang ito dahil sobrang nakakahiya 'pag nalaman ng iba.
        Overall, masasabi kong masaya ang bahay namin.Magulo man at maingay punong puno naman ito ng buhay. Simple man, mayaman pa rin kami sa pagmamahal.

Linggo, Pebrero 19, 2017

Taklub




Pag-asa

Image result for Humanities and social sciences in calayan educational foundation

          Sikat na direktor ng Indie Film na Taklub si Brillante Mendoza. Ibinigay ang kaniyang presensya sa mga piling mag-aaral ng Calayan Educational Foundation, Incorporated sa SM Lucena City.


          Mga sakunang kinakaharap nating mga Pilipino na nagdudulot sa atin ng matinding takot,galit at hinagpis, ang nasa palabas.


         Ang patuloy na pagpapanata ni Larry, malakas pa rin ang kaniyang kapit sa Diyos. Ngunit nang mamatay ang kaniyang tiya, napagod siya at napanghiaan ng loob,ditto tumigil at nawala ang kaniyang pananampalataya.
     Hindi ko siya masisisi kung ganon ang kaniyang inakto sapagkat ang mawalan ng minamahal sa buhay ay isang malaking kakulangan para sa ating pamumuhay sa mundo.


       Layunin ng direktor na ipakita sa mga taga Calayan Educational Foundation, Inc. ang totoong estado ng mga taga-Tacloban. Layunin ding iapakita ni Brillante Mendoza ang iba’t ibang pamilya na humaharap sa ganitong kalamidad. Bilang isang estudyante, kailangang mamulat tayo sa realidad ng buhay.


           Pagkamatay sa sunog at bagyo ay ilan lamang sa mga kinakaharap ng iba’t ibang mga pamilyang Pilipino. Sa panahon ngayon, iyan ang kadalasang problema sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Umaasang magkakaroon ng pagbangon para sa bakas ng nakaraan ay sadyang mahirap lalo na kung alam nating tayo ang nawalan.

          Hindi natin masisisi ang mga taong sobrang nasaktan at nawalan pagdating sa kanilang mga pamilya. Dahil likas na sa atin ang panghinaan ng loob at sumuko sa mga problema, ngunit ang pananatiling nakakulong sa nakaraan ay walang maidudulot na maganda sa ating buhay. Ang kamalayan natin sa paligid ay isang panangga para mas maging handa pa tayo sa mga problemang dadating sa buhay nating lahat.

          Ang pelikulang Taklub ay pagsang-ayon sa totoong pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay pelikulang pang-realidad na magsasabi sa atin na hindi pagsuko ang sagot kundi pagtanggap sa mga bagay na nawala at pagpapatuloy pa rin sa buhay.


Reportage




Buksan ang Mata, Ilabas ang Sarili

                 Disyembre 10, 2016 ginanap ang 66th anniversary ng Human Rights sa Pacific Mall Events Hall sa ganap na ika-9 ng umaga. Kasama nito ang mga piling mag-aaral sa Humanities and Social Sciences na nagmula pa sa Calayan Educational Foundation Incorporated na sumangguni upang masilayan at maliwanagan kung ano ba talaga ang Human Rights.

           Bago sinimulan ang programa, mayroon munang mga piling mag-aaral mula sa CEFI na nagpakita o nagbahagi ng kanilang talento. Ayon sa isa sa mga namumuno sa programang ito, isa raw itong magandang hakbang upang mailabas o maipakita ang iyong sarili. Magagamit ito upang maisawalat ang opinyon ng bawat isa.

           Kasama sa ilang aktibidad na ipinamahagi nila, mayroong ipinanuod sa mga kabataan. Na tumutungkol sa panahon noong Martial Law. Isa itong Indie Film na pinagbidahan nina Eugene Domingo at Isa Calsado.

           Ang pelikulang ito ay pinamagatang “Ang Kwentong Barbero” (Barber’s Tale) na tumutukoy sa isang babae na natutong lumaban at panindigan ang kaniyang paniniwala. Dito ay nahubog ang kaniyang pagkatao bilang isang indibidwal.

          Sa pelikulang ito, ipinakita sa mga estudyante kung gaano kahigpit ang mga militar noong panahong iyon. Ipinakita rin kung ano nga bang pamamalakad ang mayroon noong panahon ng Martial Law. Kung gaano nga ba kalupit ang pamahalaan at ang walang katahimikang pakikipaglaban ng New People’s Army(NPA) sa mga military noong panahon ni Marcos.

          Dito pinalinaw nila ang walang katapusang takot na namumuo sa bawat tahanan at bawat pamilyang nadadaanan ng mga militar. Sa pelikulang ito, laganap ang katiwalian sa gobyerno sapagkat pati mga opisyal ay nagbibigay ng maling impormasyon sa mga tao.
          Sa kabuuan nito, maipapakita ang kawalan ng kalayaan ng mga tao.
Matapos ang pelikula, mayroong ilang tao na nagsawalat ng kanilang sarili at naghayag ng kanilang organisayon. Isa na rito ang lalaking nagngangalang Joel na nagbahagi ng isang presentasyon sa pamamagitan ng isang rap.


          Kitang kita sa mga sinasabi niya ang kaniyang pagpapahalagaa sa bansa at paligid. Base sa nilalaman ng kaniyang pyesa, talaga namang hango ito sa mga katiwalian at mga di kaaya-ayang naganap sa ibang lugar, na tulad na lamang ng Pagbilao,Quezon.

          Nabanggit din niya ang pagpapaulan ng bala sa mga mamamayan noong nagbibigayan ng bigas sa isang lugar.

          Marami pang mga kaganapan noong araw na iyon: Mga pagpapakilala sa iba’t ibang tao na nagsusulong sa karapatang pantao at pagpapalinaw sa nangyari sa bansang ito.
          Iba’t ibang tao na binubukas ang isip ng bawat kabataan upang mamulat sa panahong mayroon tayo ngayon.

          Isang telang puti na nilapatan ng pinturang pula. Na pinintahan ng iba’t ibang imahe ng mga Pilipino. Kasama na rin ang dating pangulong Ferdinand Marcos. Kasama nito ang iba’t ibang pahayag na nagsusulong sa karapatang pantao.

          Gayon na rin ang ibang patungkol sa katiwalian ng dating pangulong Marcos. Sa ganap na ika-5 ng hapon ay nagwakas ang programa.

          Ngunit hindi pa pala roon natatapos ito sapagkat mayroong ginanap na isang parada na sinimulan sa Pacific Mall hanggang Quezon National High School.

          Kasama ang ibang mga kabataan ay dala dala nila ang may sinding kandila at naglagay rin sila ng tali sa kanilang mga ulo. Dito ipinapakita ang kanilang pagsusulong sa karapatang pantao.