Kilalanin Mo Ako
Ang
pangalan ko ay Ara Mae Z. Hermoso. Ipinanganak ako noong ika-26 ng Setyembre
taong 1999. Ako ay nasa labing pitong taong gulang na sa kasalukuyan.
Ako
at isang babae na mayroong taas na 152 cm at bigat na 39 kg. Ako ay lumaking
Tagalog ngunit may halong Bicolano. Karamihan sa mga taong aking
nakakasalamuha, sinasabing ang payat ko raw.
Sa aking palagay, ang unang napapansin sa akin ng karamihan
ay ang buhok at kulay ko na kayumanggi. Kung pag-uusapan naman ang lakas at
katatagan ay masasabi kong hindi ako ganu'n ka-flexible. Sapagkat mabilis akong
mapagod.
Paborito
ko ang larong badminton. Dahil mas mainam itong ehersisyo para sa akin. Lalo na
at hindi naman ganu'n kalakas ang resistensya ko.
Ang
kondisyon ng kalusuga ko ngayon ay hindi ganu'n kabuti. Mayroon akong ubo
ngayon. At hindi regular ang pag-inom ko ng gamot kaya matagal itong gumaling.
Noong
ako ay nasa ikatlong taong gulang pa lang ay isinugod na ako sa ospital. At
napag-alamang mayroob akong sakit sa kidney o UTI. May na-encounter na din
akong injury noong nasa Bicol ako. Naliay ako dahil sa biglaan kong pagtayo.
Wala
naman akong problema sa katawan. Wala namang kulang sa aking pisikal na
pangangatawan. Kaya't nagpapasalamat ako roon.
Ang
namana ko sa aking pamilya ay ang pagiging sweet. Ang pamilya Hermoso ay
maituturing na malambing. Ngunit huwag lamang gagalitin sapagkat kami rin'yung
tipong kayang ipaglaban ang sarili lalo na kung alam naming nasa katwiran kami.
Ako ay
disisyete anyos pa lamang ngunit nakatikim na ako ng alak. Lalo na kung
mayroong celebration tulad ng birthday, o party.
Kung ako ang tatanungin ang greatest physical asset ko ay
ang aking buhok. Dahil maraming nagagandahan dito.
Kung
susukatin ang aking kaalaman, nasa average level lamang ako. Hindi bobo hindi
din matalino. Ngunit ang imahinasyon ko ay malawak. Kung sa'n-sa'n ito
napupunta at kung anu-ano rin ang naiisip kong bagay.
Ang
pananaw ko sa buhay ay dapat chill lang palagi. Kalma lang at'go with the
flow'lang palagi. Masaya para sa akin ang ganu'ng pananaw, positibo lang dapat
at'wag papaapekto.
Kapag
may problema, mostly ang ginagawa ko ay makikinig ng music. Sa paraang'yun,
nakakapag-isip ako nang maayos. Mas nagiging payapa ang isip ko kaya
nakaka-survive ako sa mga problemang aking kinakaharap.
Sa
totoo lang, hindi ko alam ang talento ko. Hindi ko pa ata siya nadidiscover.
Pero isa lang ang sinisigurado ko, hinding hindi ako magaling kumanta. Sa
pagkanta ako mahina.
Pero
mayroon din naman akong maipagmamalaki sa aking sarili. Ito ay nang mag-Top 2
akong grumaduate sa aking dating paaralan. Out of 411 na estudyante na
grumaduate ay ako ang Top 2. At isang malaking gantimpala na 'yun para sa akin.
Ngunit
salungat naman nito, naalala ko pa noong ako'y nasa ikalawang baitang pa
lamang. Iyong ang unang beses na nagkaroon ako ng palakol sa card. Sobrang
nakakahiya sa nanay ko. Dissapointed ako sa sarili ko nu'ng mga panahong iyon.
Pero
ang ambisyon ko ngayon ay makatapos ng pag aaral makakuha ng magandang trabaho.
Ang mga
bagay ba kinatatakutan ko ay ang mawalan ng magulang, iwanan ng kaibigan, at
lokohin ng mg taong nakapaligid sa akin. Ang bagay naman na nagpapagalit sa
akin ay ang mga taong hindi totoo, at ang mga taong napaka-judgmental. Kapag
nasa harapan naman ako ng maraming tao, sobrang nahihiya ako.
Mayroon
akong tatlong pinapahalagahan, ito ay ang Diyos, Pamilya ko, at mga kaibigan
ko. Ang mga materyal na bagay ang hindi ko gaanong binibigyang halaga. Ang
greatest virtue ko ay madali akong maka-appreciate ng mga bagay.
Bilang
isang kristiyano naman, naniniwala ako na si Jesus ang ating tagapagligtas. At
mayroon akong mga bagay na kailanman ay hindi ko gagawin, ito ay ang
magpakamatay, mag-asawa ng kapwa babae, at pumatay ng tao. Siguro ang
nakakaakit s'kin sexually ay'yung mga lalaking mababango, manly ang katawan, at
malinis.
Lumaki
ako sa puder ng Lola ko, na tinuturing ko ng nanay at nas maayos at magandang
tirahan naman ako ngayon. Simula bata pa lang ako, sina lolo at lola na ang
kasama ko at maayos kaming naninirahan hanggang ngayon. Ang greatest strength
and weakness ni papa ay ang pagiging hardworking at moody.
Mapaglaro
akong bata dahil simula noong maliit pa lang ako ay mas nasanay ako sa mga laro
sa labas ng bahay kaya masaya ang childhood ko.
Ang
talagang nakaimpluwensya sa akin ay ang lolo'y lola ko dahil sila na ang
nag-alaga sa'kin at nagpalaki. Pinag-aral nila ako sa public at private school.
So far, nakakapasa naman ako palagi, hanggang ngayon.
Ang best subject ko ay
Filipino at worst ay AP noong grade 10. Minsan, hindi lang puro academics dahil
sumasali rin ako sa mga organizations sa school at active ako du'n.
Sa pamumuhay kong ito,
mayroong greatest impact sa akin ay ang family at friends ko. Dahil habang
lumalaki ako, sila ang kasama ko at mas nailalabas ko ang aking sarili dahil sa
kanila.
Ang first love ko ay si
Joprill at nagsimula lang kami ay noong nakaraang taon. Kung tatanungin naman
ang social status ko, mabuti naman. 'Pag nasa bahay ako, mas naipapakita ko ang
aking ugali sa mga kasama ko sa bahay. Kahit minsan maingay at magulo.
Nakatira ako kasama ang
aking mama/lola at mga pinsan. Kung sex life naman ang pag uusapan, wala pa
akong karanasan diyan. Kasi bawal pa. Pero sa totoo lang attractive ako sa mga
taong hot at gwapo na tulad ni Kim Kibum.
May itinuturing akong
bestfriend ngayon at ang pangalan niya ay Marella, naging bestfriend ko siya
kasi nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Wala naman akong itinuturing na
kaaway ngayon. Kasi 'di ako sanay na mayroong kaaway.
Ang hobbies ko ay
mag soundtrip, mag-browse sa internet at manuod ng movie. May mga bagay din
akong ginagawa lalo na pag naistressed ako o just for fun lang at ito ang pag
sasayaw. Hindi naman ako dancer pero mas gusto kong sumayaw lalo na pag nasa
mood ako.
Ang pinakamasayang
moment na nangyari sa buhay ko ay 'yung kumain kami nalang kumpleto nila mama.
Ang unhappiest moment naman na nangyari sa aking buhay ay noong mamatay 'yung
tita ko na super close ko at sobra-sobrang luha ang naibuhos ko noong mga
panahong iyon. Kung mayroon akong baaguhin sa mundong ito, ang pagiging
judgmental ng mga nakatira dito.
Ako ay nakatira sa Purok
Sariling Atin Brgy. Gulanggulang Lucena City, Quezon Province. Mayroon kaming
bahay at 14 years ba kaming nakatira doon.
Mayroon kaming
sala,kusina, CR, at 3 kwarto. Hindi ganu'n kaganda ang koneksyon namin sa
kapitbahay dahil walang pakialaman sa bawat isa.
Mayroon kaming sariling
bahay. Kasama kong nakatira dito ay si mama, mga pinsan ko, isama na rin ang
pusa. Maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa, masaya at kahit na
maingay.
At dahil kasama ko ang mga
pinsan ko sa bahay na iyon, magulo at maingay dahil makukulit ang mga ito. Sa
totoo lang, ang bahay namin ay makalat.
Ang paborito kong lugar ng
bahay ay ang aking kwarto dahil tahimik at nakakapag-isip isip ako. Ang
pinakaayaw kong lugar ng bahay ay ang sala dahil nandoon palagi ang mga pinsa
kong makukulit.
TV, sapatos at kwarto ang
binibigyan ko nang mas higit na pansin. TV, dahil naaaliw ako, sapatos dahil
marami akong pamporma, at kwarto dahil ito ang perfect place para sa akin. Ito
ang mas nakakakilala sa akin.
'Yung oras na nag open-up
ako sa mama ko tungkol sa lovelife ko ang pinaka di-malilimutang na-encounter
ko. Sobrang saya ko rin noong itinayo na ang tindahan namin at na-extend ang
bahay namin.
'Yung oras din na mayroong
kumalabog sa bahay namin at ako na lang ang natatanging gising ang
pinakanakakatakot na nangyari dito sa bahay. Ang pinakamalungkot naman na
karanasan ko ay nang mamatau nga si tita.
Ang bagay na
iniingat-ingatan at itinatago ay ang aking diary. Dahil dito nakapaloob lahat
ng sikreto ko at mga kakornihan ko sa buhay. Nakakahiya kung mababasa ng iba.
Aminin mo man o hindi, may
mga bagay tayong ginagawa kapag mag-isa lamang tayo. Ang ginagawa ko noon ay
umaarte ako sa harap ng salamin habang ginagaya ang mga napapanuod ko sa TV.
Sikreto ko lang ito dahil sobrang nakakahiya 'pag nalaman ng iba.
Overall, masasabi kong masaya
ang bahay namin.Magulo man at maingay punong puno naman ito ng buhay. Simple
man, mayaman pa rin kami sa pagmamahal.